Saturday, September 26, 2015

Alden cries as he dedicates 'God Gave Me You' to Maine

Bilang pagtupad sa bilin ni Lola Nidora, kinanta ni Alden Richards ang "God Gave Me You" nang live ngayong Sabado sa Eat Bulaga.

Pero bago pa man matapos ang kanta, bigla na lamang naiyak ang Pambansang Bae dala ng emosyon ng kanta.


Pati tuloy ang mga audience sa studio, tumulo din ang luha.

Nang mapigilan niya nang sandali ang kaniyang emosyon, nakapagbigay pa siya ng dedikasyon.

"Itong kantang 'to, gusto kong ialay kay Maine," aniya.

Tila ikinatuwa naman ni Maine ang heartfelt moment ni Alden.

Pati daw si Lola, napaiyak sa kanta ni Alden.

Pagkatapos ng kaniyang song number, ibinigay na ng mga Rogelio kay Alden ang address ng mansyon ni Lola Nidora, kaya naman ang binata, tuloy na ang pagdalaw! Dala pa niya ang chicharon na galing pa daw kay Tita Helen.

Source: GMA News Online

No comments:

Post a Comment